Nais Ko’y Magsulat

Kagustuhan ko’y magsulat, ako ngayo’y nakatitig
Nakatitig sa kawalan, ako’y nag-iisip
Nag-iisip ng salita, laman ng puso’t isipan
Isipan na lumulutang, ‘di makamit ang kagustuhan

Kagustuhan ko’y magsulat, nais ipahayag ang damdamin
Damdamin ng taong madaming inililihim
Inililihim ang sakit, pilit pinagtitiisan
Pinagtitiisan ang lahat, masunod lang ang kagustuhan

Kagustuhan ko’y magsulat, hangarin ng isang hangal
Hangal na tulad ko, di inaalintana ang sagabal
Sagabal na nagpapablangko ng kaisipan
Kaisipan na kailangan upang makamtan ang kagustuhan

Kagustuhan ko’y magsulat, ako’y kanyang alipin
Alipin na ninanais na talento’y maangkin
Maangkin ang husay ng mga hinahangaan
Hinahangaan na siyang inspirasyon sa nauudlot na kagustuhan

Advertisements

Siyam na Buwan

“Simula pa nung ibinigay ka sa amin ng Diyos, ikaw na ang anghel namin. Sa bawat ngiti na iginagawad mo sa amin, halos marating na namin ang langit sa tuwa. Ikaw ang pinakamagandang regalo sa amin ng Maykapal.

Isang araw habang ako ay naghahanda para sa pagpasok sa trabaho, bigla kong narinig ang paghagulgol ng nanay mo. Agad ko siyang pinuntahan at bigla niya akong niyakap.

‘Wala na si Jenna. Kinuha na siya sa atin.’

Ayaw kong maniwala. Hindi ko kayang maniwala.

Agad kitang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Bumuhos bigla ang luha mula sa aking mga mata.

Patawarin mo ako anak. Maliit lang ang kinikita ni Tatay. Hindi ko kinaya na dalhin ka sa doktor para maoperahan ang butas sa puso mo. Wala din akong nalapitan para mahingan ng tulong. Patawarin mo sana ako anak.

Ang bigat sa pakiramdam na sa tuwing may mga bata sa kalsada, nakadungaw ka lang sa bintana, na pinapanood ang mga masasayang naglalaro. Ramdam ko ang pagkasabik mo na makipaghabulan, na makaligo sa ulan, na makihalubilo at magkaroon ng mga kaibigan. Hindi ka din namin napayagan na pumasok sa paaralan dahil nag-aalala kami sa kalusugan mo. Wala kasi tayong pera para sa pampagamot mo anak kaya pasensya ka na ah.

Sa bawat gabing nagdaan simula nang malaman namin ang sitwasyon mo, araw-araw akong lumuluha. Ang sakit na wala akong magawa. Kahit anong kayod ko, hindi pa rin sapat. Sa loob ng anim na taon, kinikimkim ko ang lahat para sa’yo, na ayaw kong panghinaan ka ng loob.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung nakita kitang nakaburol. Hindi ko nagawang makipag-usap ng maayos. Naluluha ako sa tuwing masisilayan kita. Ang hirap anak. Ang hirap-hirap.

Mas lalong mahirap nung araw na ng libing mo anak. Naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa hindi ko mapigilang pagluha. Ang makita ka ang iyong mga labi na ibinabaon sa lupa, ang katotohanang hindi ka na muling babalik sa amin, ang sakit-sakit anak. Napakasakit.

Ulila ang tawag sa isang bata na namatayan ng mga magulang. Ano nga ba ang itatawag sa amin na nawalan ng anak?

Siyam na buwan na ang lumipas. Siyam na buwan kang inaruga ng iyong nanay sa loob ng kanyang sinapupunan, siyam na buwan din naming inabangan ang pagdating mo. At ngayon, siyam na buwan ka nang wala sa piling namin, na wala sa mundong ito.

Aaminin ko anak, hindi pa namin lubusang makaya na magpatuloy ng wala ka. Pero kailangan. Kailangan naming tatagan ang aming mga sarili para sa’yo anak.

Alam namin na nasa paligid ka lang. Alam namin na palagi mo kaming binabantayan. Ikaw pa din ang anghel namin.

Darating din ang araw na magkakasama-sama tayo muli. Hintayin mo kami ng nanay mo ah.

Mahal na mahal ka namin anak!”

— Tatay

Saan Ka Ba Patutungo?

Isang umaga habang ako ay nasa harap ng hapag-kainan na humihigop ng mainit na kape at kumakain ng bagong lutong pan de sal ay bigla kong narinig ang sigawan sa kabilang bahay. Hindi ko naman gawaing makinig at makiusyoso, subalit nung pagkakataong iyon, hindi ko sinasadyang mapakinggan ang malinaw na boses ng isang galit na nanay habang sinisermunan ang kanyang anak na lalaki upang pumasok lamang sa paaralan.

“Napakawalang kwenta mong bata ka! Puro barkada at bisyo ang inaatupag mo! Hindi namin pinupulot sa kalsada ang ginagastos namin sa pag-aaral mo! Anong akala mo sa amin? Tiga-luwal lang ng pera pambisyo mo? Palibhasa wala kang iniisip na responsibilidad!” Iyan at higit pa ang binitiwan ng isang ina isang maganda sanang umaga para sa kanila.

Hindi na bago ang mga eksenang ito. Kung tutuusin wala pa ito sa mga nasaksihan ko. Hindi ito dapat maging tampulan ng panunukso at kahihiyan sapagkat ipinapakita lamang dito na malaki ang inaasahan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Pag-asang unti-unting nawawala bunsod ng napakaraming elemento sa paligid dala ng mga pagbabago sa ating panahon.

Karamihan sa mga magulang ay iginagapang ang kanilang mga anak upang makapagtapos ng pag-aaral, para maabot ng mga ito ang kanilang mga pangarap. Ninanais nilang maging makabuluhan ang mga anak nila sa pagpapabuti ng kanilang mga sarili, pamilya at maging ng sa ating lipunan. Hangarin ng mga ito na maging mahalagang sangkap ang kanilang mga anak sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay at pati na din ng sa bayan.

Subalit nasaan na nga ba ang mga kabataang minsan ay tinagurian ding pag-asa ng ating dakilang si Gat. Jose Rizal? Sila ba ang mga kabataang nagpapayaman sa mga negosyanteng nagma-may-ari ng mga video-han, ng mga computer shop na napakaraming computer games, ng mga bilyaran, at iba pang mga katulad na libangan? Sila ba ang mga kabataang pumupuno sa mga bar sa Malate at sa Libis? Sila ba ang mga kabataang maagang namulat sa mga bisyong tulad ng sigarilyo, ng alak at ng droga? Sila ba ang mga kabataang nabulag sa tawag ng laman at kahalayan?

Noong kabataan ko, masasabi kong hindi ko alam. Sino ba naman ako upang magmalinis at humusga sa mga kabataan? Inaamin kong ako man ay may mga kahinaan at pagkukulang. Ako man ay maaring nakasama din nila sa kung saan man ako itahak ng aking mga paa, sa kung saang lugar bumaling ang aking paningin. Tunay ngang nakalilibang ang mga ganoong uri ng gawain. Tunay ngang kakaibang damdamin at karanasan ang makukuha mula sa mga ito. Sino ba naman ako para tumanggi? Ano nga ba ang kaibahan ko sa kanila?

Muli, naalala ko ang galit ngunit malungkot na tinig ng isang ina ng umagang iyon. Pumasok din sa aking isipan ang pagod na mukha ng aking sariling mga magulang mula sa maghapong paghahanap-buhay, upang ako ay makapagtapos, makapag-aral ang aking kapatid at makaraos sa bawat araw. At sino din ba naman ako para saktan sila? Sino ako para biguin ang kanilang pag-asa kapalit ng mga panandaliang kasiyahang inihain sa aking harapan ng aking mapaghamong kapaligiran?

Sadya ngang napakahirap sumunod sa tuwid at balanseng panuntunang inilaan upang tayo’y maging mabuti. Napakakipot ng landas patungo sa katuparan ng magagandang pangarap, ng mga taong malaki ang pagtitiwala at pag-asa sa atin. Samantalang, ‘di hamak na nakaaakit naman ang daang tinatahak ng nakararami. Napakalawak, napakadali ng paglalakbay. Subalit lahat ng pumiling tumahak sa landas na iyon ay pawang nangagsiligaw at nawalan ng tiyak na patutunguhan.

Maaari ngang pareho lang ako sa mga kabataan ngayon at wala akong ipinag-iba sa karamihan. Ngunit, ayokong maligaw at mawala. Ayokong lumuha ang mga taong nagmamahal at umaasa sa akin. Ayokong biguin ang aking mga magulang. Ayokong ikahiya ng aking bayan.

At sa pagitan ng pagtitiis o kasiyahan, ng pagsisikap o paglilibang, ng tama o mali, isa lang ang maaaring magwagi. Tulad ko, ikaw lamang, ang maaaring pumili. Kung saan ka patutungo, ikaw pa rin ang siyang magpapasya. At nawa’y sa bawat kapasyahan ay isaalang-alang, na ikaw pa rin ang pag-asa ng bayan.

Just a Panaginip

Literati Challenge

image credit to 16minuteslate of Symbianize.com

All this time, ako ay naghihintay

To find true love na walang kapantay

I promise to be faithful, lahat ay iaalay

That I will cherish her, kahit pa habambuhay

 

I want to hear ang maganda mong tinig

I want to see ang mga mata mong nakakaakit

I want to feel ang paghawak sa kamay mo nang mahigpit

It seems so simple ngunit kasawian ang sinasapit

 

Where to find you, oh aking sinta?

I’ve been longing for you, magpakita na sana

We haven’t met yet pero ikaw ba’y maniniwala

That I saw you in my dreams, na tayo’y magkasama

 

We are in a park, sa sikat na Luneta

Holding each other’s hands kahit pa may makakita

Very romantic scene na parang sa pelikula

Sitting on a bench na daig pa sila John Lloyd at Sarah

 

I don’t want to end ang masarap na pakiramdam

This intimate moment na hatid sa akin’y kaligayahan

But I have to face ang katotohanan

That you’re just in my dream at hanggang doon na lamang.

Tinta sa Papel

Ang likidong sumisimbulo
Ng plumang nananaghoy
Mula sa kanyang
Mapusok na amo
Upang ang naisin nito ay masunod
Habang binabagtas nito
Ang blangkong papel

Oh likidong sumasagisag
Sa pagdurusa ng pluma
Mula sa kanyang mabagsik
Na tagapangasiwa
Na nag-uutos
Ng taliwas sa kanyang nais
Habang ito ay naglalakbay
Sa blangkong papel

Likidong sinasayang
Ng plumang nagmamakaawa
Mula sa malupit na tagapamahala
Na nagdidikta ng bawat hagod
Ng bawat galaw at kilos nito
Hanggang sa ito ay makatagpo
Ng hangganan
Mula sa kaninang blangkong papel

Ang Buhay ni Robertong Kuneho (Pabula)

“May pag-asa ka pa bang umakyat sa Langit kung ikaw ay nasa harapan na ng tarangkahan ng Impiyerno?”

Kilala bilang isang maghahalaman si Robertong Kuneho sa kanilang lugar. Mula pa nung nabubuhay pa ang kanyang mga magulang ay nakagawian na niya ang magtanim at hanggang sa pumanaw ang mga ito ay patuloy pa din niyang ginagawa ang turo ng kanyang ama’t ina. Palagi niyang inaalagaan ang mga tanim na mga gulay, prutas at mga halamang gamot upang sa pagdating ng bagyo at iba pang sakuna ay handa na siya.

Hindi lang kilala si Robertong Kuneho bilang maghahalaman. Kilala din siya bilang pinakamasungit na nilalang sa kanilang lugar. Hindi naman talaga siya ipinanganak na masungit. Palangiti naman ito noon, palabati at may mababang kalooban. Ngunit nang pumanaw na nga ang kanyang mga magulang dahil sa aksidente ay nagbago na ang pananaw nito sa mundo. Na tila pinagdadamutan siya. Na tila pinaparusahan siya sa dahilang hindi niya matanto. Nagbago ang pakikitungo niya sa kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan. Doon na siya nagsimulang magbigay ng buong oras niya sa pagtatanim hanggang sa siya’y tumanda.

Umaga pa lang ay bumabangon na ito para diligan ang mga pananim. Inuuna muna niyang alagaan ang mga tanim bago pa asikasuhin ang sarili. Madalas ay ang mga ito ang kanyang kinakausap. Sa tuwing may mga makukulit na mga batang daga na naglalaro malapit sa kanyang mga tanim, agad niya itong pinagtatabuyan, kasabay ang mga masungit nitong mga kilos at postura.

Isang umaga ay tinanghali ito ng gising tulad sa nakagisnan niya. Agad-agad itong lumabas ng bahay upang diligan ang kanyang mga pananim. Bumungad sa kanya ang tirik na tirik na sikat ng araw. Sobrang init. Hindi na niya nagawa pang bumalik sa kanyang bahay upang kumuha ng sombrero dahil sa kailangan na niyang pawiin ang uhaw ng kanyang mga pananim. Sa dami ng dapat niyang diligan ay tagaktak na ang pawis nito at nanginginig pa ang mga tuhod pero hindi pa din siya huminto at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi kalaunan ay bigla itong bumagsak at nawalan ng malay. Bigla siyang nakita ni Alhanang Daga at binigyang saklolo.

Nang magkaroon na ng malay si Robertong Kuneho ay bigla itong nagulat sa nasasaksihan. Nakaupo siya sa ulap, sa harap ng nagniningnig na unggoy na anghel.

“Hoy Ale! Ale! Nasaan ako?! Anong ginagawa ko dito?!”

Agad siyang nilapitan nito at nagwikang, “Buti naman at gising ka na. Tara na at kanina ka pa niya hinihintay.”

“Tinatanong kaya kita! Nasaan nga ako?!”

“Pagmasdan mo ang paligid mo Robertong Kuneho. Pagmasdan mo ang maningning at matayog na tarangkahan sa harapan mo. Sa tingin mo, nasaan ka na ngayon?”

Hindi umimik si Roberto at ipinapakitang pilit na hindi ito kumbinsido sa narinig.

Agad hinawi ng anghel na unggoy ang katabing ulap ng kuneho. Napagmasdan nila mula doon ang mga nagkakagulong mga tao sa paligid ng katawan ni Robertong Kuneho. Pumanaw na pala ito dahil sa init ng araw at dahil na din sa katandaan nito.

“Tara na. Naghihintay na sa atin si Mamertang Tandang, ang alaga ni San Pedro.”, sabay abot ng kamay nito sa kuneho.

Padabog na sumama ang matanda, at tinabig ang kamay ng anghel. “Kaya ko pang maglakad mag-isa!”

“Mahal na Mamertang Tandang, kasama ko na po si Robertong Kuneho.”

Humarap ito sa kuneho at nagsabing, “Iho, sabihin mo sa akin, anu-ano ang mga nagawa mong kabutihan nung ikaw ay nabubuhay pa?”

Hindi umiimik ang matandang kuneho at hindi pinansin ang tanong ng tandang.

“Hindi bale, titignan ko na lamang sa aking libro”

Agad na nagliwanag ang libro. Pinakita ang saloobin ng mga nakasalamuha niya nung siya ay nabubuhay pa.

“Naku, nung bata pa ako, madalas akong pagtabuyan nyan. Akala mo naman siya ang nagmamay-ari ng buong lugar. Naglalaro lang naman ako e…”, ang sabi ni Rodelyang Ardilya.

“Ako naman, pinagdamutan nya ako sa mga damong nagkalat lang sa bakuran niya. Agad niya kong sinaway at pinalayas. Nagugutom na kasi ako at walang mahanap na makakain…”, ang sagot naman ni Corneliong Kabayo.

“Ang sa akin naman, hinarangan niya na agad ako. Pipitas lang naman ako ng isang bulaklak mula dun sa magandang halaman niya e. Agad niya akong tinitigan ng masama. Sa takot ko, nagtatakbo na lang agad ako…”, ang kwento naman ni Alhanang Daga.

Hindi na nagpatuloy pa sa pakikinig si Mamertang Tandang at nagpasya na agad itong ipadala si Robertong Kuneho pababa ng Impiyerno. Agad na bumukas ang ulap sa paanan ng kuneho at agad na nalaglag ito sa nasabing lugar.

Pag-angat ng mukha ng matandang kuneho ay bumungad ang napakalaking tarangkahan na sadyang nakakatakot at nakakapangilabot. Mayroon ding tatlo pang mga kaluluwa ang nakasama ng kuneho, at dahil sa pagiging masungit ng matanda ay napili siya ng demonyong unggoy bilang mauunang makilatisan.

“Ang angas mo Robertong Kuneho. Bagay na bagay ka dito. Siguradong matutuwa ako sa pagtira mo dito!”, ang sabi ng demonyong unggoy kasabay ang nakakapangilabot na halakhak.

“Sino ka ba sa inaakala mo?! Hindi mo ko kaya! Matanda man ako, malakas pa din ako!”, pang-uurat ng matandang kuneho.

Tinawanan lang siya ng malakas ng demonyong unggoy. Dahan-dahan itong naglalakad palapit sa matandang kuneho. Dahan-dahan din namang lumakad palayo ang kuneho, pero wala siyang matatakasan. Mahuhuli at mahuhuli siya nito.

Samantala, muling nagningning ang libro ni Mamertang Tandang. Agad niya itong binuklat at pinanood ang mga saloobin ng mga nabubuhay.

“Naku, nung bata pa ako, madalas akong pagtabuyan nyan. Akala mo naman siya ang nagmamay-ari ng buong lugar. Naglalaro lang naman ako e.”, ang sabi ni Rodelyang Ardilya. “Huli na nang malaman kong nagkalat pala ang mga patibong ng mga tao doon. Minsan na palang muntik mahuli si Mang Robertong Kuneho. Buti na lang at nailigtas siya ng kapatid niya. Sa kasamaang palad, ang kapatid niya ang nahuli.”, dagdag pa ng ardilya.

“Ako naman, pinagdamutan nya ako sa mga damong nagkalat lang sa bakuran niya. Agad niya kong sinaway at pinalayas. Nagugutom na kasi ako at walang mahanap na makakain…”, ang sagot naman ni Corneliong Kabayo. “Huli na din nang malaman kong masasamang damo pala ‘yun at maaari akong mabaliw kung makakain ko ‘yun. Niligtas niya ang buhay ko kahit hindi niya harapang ipinakita sa akin”, dagdag naman ng kabayo.

“Ang sa akin naman, hinarangan niya na agad ako. Pipitas lang naman ako ng isang bulaklak mula dun sa magandang halaman niya e. Agad niya akong tinitigan ng masama. Sa takot ko, nagtatakbo na lang agad ako…”, ang kwento naman ni Alhanang Daga. “Nung minsang tamaan ako ng sakit, iginawa pala niya ako ng gamot gamit ang halamang bulaklak na ninais kong pitasin. Nakita na lamang ni inay sa tapat ng pintuan namin ang gamot.”, dagdag naman ng daga.

“Mukhang may kabutihan naman palang nagawa si Robertong Kuneho. Mahal kong unggoy na anghel, pakisundo na ang matandang kuneho dito at atin ng papasukin sa kaharian.”, utos ng magaling na tandang.

Dali-daling bumaba ang anghel na unggoy at ipinagsabi ang utos ng tandang. Ayaw mang pumayag ng demonyong unggoy ngunit hindi nito magawang lumapit sa nagniningning na anghel. Iniabot nito ang kamay sa kuneho at dali-dali naman itong hinawakan ng mahigpit. Akmang lilipad na ang anghel ng biglang sumabit sa paanan ng kuneho ang mga kasabay nitong kaluluwa.

“Tulungan nyo po kami. Bigyan nyo po kami ng pag-asang makapagbago.”, Giit ng isang palaka. Nagmamakaawa ang tatlong kaluluwa at hinayaan naman ng mahabaging unggoy na anghel.

Dahil sa kabigatan ay nahihirapan ang anghel na lumipad pabalik ng langit. Umiral naman ang kasutilan ng matandang kuneho at pinagtatadyakan ang mga sumabit sa paanan nito. Dahil sa ginawa ng kuneho ay nabitawan naman siya ng anghel. Nalaglag ito sa lapag at pinagpilitang ipasok sa tarangkahan ng Impiyerno.

Moral lesson: Lahat ng nilalang sa mundo ay may kabutihang taglay. Walang ipinanganak na masama. Bawat nilalang ay may kakayahan upang mamili kung tamang landas ba ang nais nyang tahakin o hindi.

Sa kaso naman ni Robertong Kuneho, walang nagagawang mabuti ang kasutilan. Bagkus, nagdudulot lamang ito ng kapahamakan.

Emotionally

For the past 25 years of my life, I’ve only written two short stories. It’s not for lack of imagination though. My head is always bursting with ideas to write about. My failure—if you can call it that—can be more attributed to damage control. And conscience. It always boils down to conscience. You see, I do not like writing for the simple fact that if I begin to write, I will have to kill.

Well, many praised my works. The stories were published in a distinguished magazine, and I gained popularity. It also gave me fortune. With the help of my works and my savings, I now have my own house, my own car, my own business. What a simple life!

But yet, I ain’t going to say that I’m happy. I have kept this secret in me, that deep inside, conscience is killing me. And yes, it still does up to now.

Long time ago, while I was walking in the park, I saw a couple arguing. I saw how the lady reacts when she found out that the man of her dreams is being caressed by another woman. I pity the girl. The man left her weeping. I have done nothing to help.

I felt the urge to write. I wanted to express what I felt towards the incident I witnessed. But when I sat down, holding my pen, my mind became blank. I tried to focus on what I’m doing, but still, I can’t begin what I wanted to write. It seemed that something was missing.

Out of nowhere, I heard a voice. A voice that pushed me to do something. A voice that told me what to do. No matter how I tried to ignore it, it kept on coming and coming to me. I needed to obey it. Otherwise, it will keep bothering me.

I’m in a relationship at that time with someone I’ve loved for five years. We are on a steady relationship but that voice kept bothering me. That voice kept on whispering in my ears. That voice commanded me to break up with her, for her to suffer the same scenario I saw in the park. I was forced to be with another girl. I was forced to break her heart. I saw how she cried in front of me. How she was hurt, as if it’s her worst nightmare.

I myself was hurt. I wanted to undo what I’ve done, but it was too late.

After what I’ve done, I finished my first short story. I’ve recalled every single detail that I’ve done to my ex-girlfriend. I’ve remembered how she was hurt. The story is about a man who had cheated her long time girlfriend, and realized that he had done the biggest mistake of his life. I named the story as “Breaking Up Isn’t an Option”.

One Sunday morning, I suddenly felt like making up with her. I tried to talk to her but she refused. I even tried to call her up, or even texted her, but I received no reply. That same day, her grandmother saw her in the bathroom, dead. She committed suicide.

I know that she didn’t kill herself. I did. Yes! You heard me right! I broke her heart, I made her cry, I cheated on her! I killed her emotionally! It’s too late for me to apologize!

Since then, there were now two voices whispering on me. I didn’t know what to do! It keeps bothering me! Day and night! I hardly get enough sleep.

I wanted to release my anger towards these voices. I grabbed my pen and tried to write, but I wrote nothing. The first thing that came to my mind was to confront my father.

I went to my parents house to visit them, but because I’m not in good terms with my father, he refused to let me in. Instead of asking forgiveness, I bragged on him. Harsh words came from my mouth. I even cursed him for treating me that way.

Three days after that incident, my father had a heart attack. I rushed to that hospital but it was too late for me to talk to him. He already passed away. I felt the pain. Tears came from my eyes. Deep inside my heart, I reminisced the good old days we had when I was little. He didn’t deserve to be treated the way I treated him.

I know that my father didn’t die because of his age, but because he was hurt for my actions. I mistreated him. I disrespected my father. I’ve killed him emotionally.

After the death of my father, another voice bothered me. There were now three voices whispering. I felt lonely. I felt alone.

I sat down on my table, grabbed my pen, and began to write. I wrote a short story about a man who mistreated his father. A man, who was raised good and had all the love in the world, disrespected and cursed his own father. I named the story as “What Have I Done to You, Father?”.

I wanted the world to know what I’ve done, so I seek every help to find someone that can help me publish my works. A known magazine owner read my stories, and felt the emotion that have captivated his heart. He accepted my offer and published my works. The stories gained positive feedbacks, and in return, the owner of the magazine paid me for it.

For the past 25 years of my life, everyone thinks that I’m happy, and living the life I’ve always wanted, but deep inside, those voices, those voices that whisper to my ears, are not just voices, but the conscience that keeps on killing me. This is now my third story, and because you have now learned my secret for my published works, please kill me now, emotionally!